2 karnaper patay sa shootout sa QC
October 15, 2002 | 12:00am
Dalawang hinihinalang mga karnaper ang iniulat na nabaril at napatay ng mga tauhan ng pulisya, habang dalawa pang mga kasamahan nito ang nakatakas makaraang magsagupa ang dalawang panig, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Nakilala ang dalawang nasawi na sina Jonathan Villa, ng Pamplona, Las Piñas at isang alyas Michael. Ang dalawa ay kapwa patay nang idating sa East Avenue Medical Center.
Lumilitaw sa imbestigasyon na ang insidente ay naganap dakong alas-5 ng madaling araw sa panulukan ng Mayaman at Malumanay Sts., UP Village, Quezon City.
Batay sa ulat na isinumite ni SPO2 Cresencio Bajao kay CPD director Senior Supt. Napoleon Castro, nagsasagawa nang pagpapatrulya ang mga tauhan ng intelligence unit ng CPD nang mamataan nila ang isang kulay pulang Nissan Sentra na may plakang PVG-830 na may kahinahinalang kilos kung kayat sinenyasan nila itong huminto.
Subalit bago pa man masita ng mga awtoridad ang naturang sakay ng sasakyan ay pinaputukan na sila ng mga kasamahan nito na nakasakay sa isang puting Anfra.
Dahil dito, napilitan nang magpaputok ang mga awtoridad at tinamaan ang mga suspect, habang ang dalawang kasamahan ng mga ito ay mabilis na tumakas.
Sinabi pa ng pulisya na bukod sa kasong carnapping ang nasawing si Villa umano ay mayroon ding kasong drug trafficking sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended