^

Metro

Mga sundalong iskuwater wawalisin

-
Palalayasin na sa katapusan ng Oktubre ng Bases Convertion Development Authority (BCDA) ang natitirang mga iskwater na kinabibilangan ng pamilya ng mga sundalo sa pangunguna ng isang lieutenant colonel na nakatira sa loob ng Fort Bonifacio na ngayon ay tinaguriang Global City sa Makati City.

Ayon kay Antonio Rex Chan, vice president for operation ng BCDA, ang dalawampung pamilya na pawang mga squatter na pinangungunahan ni Lt. Col. Romeo Daclan ay binigyan ng 30 araw na notice para kanilang baklasin ang umanoy mga iligal na istraktura na itinayo sa naturang lugar.

Nabatid na ang taning na araw ay magtatapos sa darating na Oktubre 18, ng taong ito at ang nasabing lugar ay gagamitin sa isang joint-venture project sa pagitan ng BCDA at ng Fort Bonifacio Development Corporation (FBDC).

Ang 30 araw na notice na ibinigay sa mga illegal squatter ay base sa nakasaad sa Republic Act 7279, Urban Development and Housing Act ng 1992. Napag-alaman na ang lupaing may 2,190 square meter ay pag-aari ng BCDA (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

ANTONIO REX CHAN

BASES CONVERTION DEVELOPMENT AUTHORITY

FORT BONIFACIO

FORT BONIFACIO DEVELOPMENT CORPORATION

GLOBAL CITY

LORDETH B

MAKATI CITY

OKTUBRE

REPUBLIC ACT

ROMEO DACLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with