^

Metro

Pulis nagsauli ng P.2-M

-
Sa mga kagawad ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), umiiral pa rin ang honesty kahit nakakaramdam ng matinding kahirapan.

Pinatunayan ito ni Ildefonso Encarnacion, isang Non-Uniformed Personnel ng PNP-ASG na nakatalaga bilang frisker sa Centennial Terminal 2 nang isauli niya ang jacket na may lamang P248,000, na naiwan ng isang paalis na Korean national.

Sa report ni P/Supt. Efren Labiang, hepe ng 1st Regional Security Office (RASO) kay chief Supt. Jesus Versoza, director ng PNP-ASG, dakong alas-11:30 kahapon ng umaga ng mag-check-in ang pasaherong si Je Hong Lee sa Philippine Airlines Flight PR-468 patungong Incheon.

Sinabi ni Encarnacion na ipinatong ng pasahero ang kanyang jacket sa ibabaw ng x-ray machine habang ini-inspection ang check-in luggage nito.

Saka lamang napansin ni Encarnacion ang jacket nang muli itong bumalik sa kanyang puwesto subalit wala na ang Koreano.

Dinampot ni Encarnacion ang jacket at hinabol ang pasahero subalit hindi na ito nakita. Ipinagbigay alam ni Encarnacion ang insidente kay Insp. Michael Coo, ang duty officer noong oras na iyon.

Nakatakda ng sumakay ng eroplano ang Koreano nang ito ay makita at laking pasasalamat nito nang isauli ang kanyang jacket na naglalaman ng US$4,400, at 500,000 Korean Won. (Ulat ni Butch M. Quejada)

BUTCH M

CENTENNIAL TERMINAL

EFREN LABIANG

ENCARNACION

ILDEFONSO ENCARNACION

JE HONG LEE

JESUS VERSOZA

KOREAN WON

KOREANO

MICHAEL COO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with