^

Metro

12 prosti nalambat

-
Labindalawang sex worker umano ang nadakip ng pulisya sa isinagawang operasyon dahil sa umano’y pagbebenta ng mga ito ng panandaliang aliw kamakalawa ng gabi sa 3rd Avenue, Caloocan City.

Ang mga naarestong kababaihan ay kasalukuyang nahaharap sa kasong prostitusyon at bagansiya ay nakilalang sina Jenelyn Cobarubias, 19; Cathy Alvarez, 10; Arlyn Arrante, 19; Judith Menez, 22; Joy Antonio, 21; Shiela Cauilo, 22; Ana Manday, 19; Emma Sena, 19; Sonia Amante, 21; Jenny Mercado, 21; Carol Heretura, 19 at Jovelyn Perez, 20, pawang mga residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, pasado alas-7:15 ng gabi nang magsagawa ng saturation drive ang mga tauhan ng Station Intelligence and Investigation Division (SIID) ng Caloocan City Police sa kahabaan ng 3rd Avenue ng nasabing lungsod.

Diumano, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa mga kababaihan sa naturang lugar na diumano’y nagbebenta ng mga panandaliang aliw pagsapit ng gabi. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ANA MANDAY

ARLYN ARRANTE

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CAROL HERETURA

CATHY ALVAREZ

EMMA SENA

JENELYN COBARUBIAS

JENNY MERCADO

JOVELYN PEREZ

JOY ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with