^

Metro

Magkaibigan tinarakan: 1 patay, 1 grabe

-
Isang pintor ang nasawi habang nasa kritikal na kondisyon ang kaibigan nito makaraang pagsasaksakin ng hindi kilalang suspek na nagalit dahil napangitan sa pagkanta ng magkaibigan kahapon ng ma-daling araw sa Parañaque City.

Patay na nang idating sa Ospital ng Maynila ang biktima na nakilalang si Joseph Sia, 23, binata, residente ng #147 TUP Compound, Barangay Western Bicutan, Taguig, nagtamo ng ilang saksak sa leeg at balikat.

Inoobserbahan naman sa pagamutan ang isa pang biktima na nakilalang si Ronnie Calupas, binata, isa ring pintor, nakatira sa nasabing lugar sanhi ng ilang saksak sa dibdib at kanang kamay.

Samantala, kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek matapos isagawa ang pananaksak sa magkaibigan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Carlos Rotoni ng Criminal Investigation Division (CID), Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong ala-1 kahapon ng madaling araw sa PNR Site, San Martin De Porres, ng nabanggit na lungsod.

Katatapos lamang ng mga biktima na mag-sing-along sa isang videoke bar.

Habang naglalakad pauwi ay biglang sinalakay ang mga ito ng suspek at walang sabi-sabing inundayan ng saksak.

Nabatid na ang videoke bar na pinanggalingan ng magkaibigang biktima ay malapit lamang sa mga residente. (Ulat ni Lordth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY WESTERN BICUTAN

CARLOS ROTONI

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

HABANG

JOSEPH SIA

LORDTH BONILLA

RONNIE CALUPAS

SAN MARTIN DE PORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with