^

Metro

Bahay ni Parsons pasasabugin?

-
Muling naghari ang takot sa pamilya ni action star at dating Hagibis singer Sonny Parsons matapos na makatanggap ng ‘bomb threat’ kahapon ng umaga.

Nabatid na isang umano’y bomba na nakalagay sa isang inabandonang bag ang ikinabit sa parlor ng asawa nito sa harapan ng kanilang tahanan sa Marikina City, gayunman matapos na magresponde ang mga tauhan ng pulisya napatunayang ‘false alarm’ ang sinasabing bomba na laman ng kulay itim na bag.

Bago ito, nakatanggap umano si Parsons ng tawag sa telepono hinggil sa bombang itatanim sa kanyang tahanan buhat umano sa nakabangga niyang ‘Waray Gang’.

Dakong alas-6 ng umaga nang mamataan ang kahina-hinalang bag na iniwan sa may parlor ng kanyang misis sa ibaba ng kanilang tahanan subalit ng siyasatin ng mga pulis ang naturang bag napag-alaman na mga personal na kagamitan ang laman nito na pag-aari ng nalasing na arkitekto at naiwan sa naturang lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

BAG

DAKONG

HAGIBIS

JOY CANTOS

MARIKINA CITY

NABATID

SONNY PARSONS

ULAT

WARAY GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with