Policewoman biktima ng 'Agaw-Cellphone Gang'
October 11, 2002 | 12:00am
Hindi umubra ang pagiging alagad ng batas ng isang babaeng police colonel na nakatalaga sa Central Police District Office (CPDO), dahil maging siya ay hindi pinatawad ng miyembro ng "Agaw-Cellphone Gang" matapos maagaw dito ang kanyang cellphone kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Kinilala ang biktimang si Police Supt. Remedios Escober, nakatalaga sa Camp Karingal, ng CPD.
Samantala, kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect matapos tangayin mula rito ang cellphone na 3210, Nokia.
Ayon sa Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-7 kahapon ng umaga sa kahabaan ng East Service Road, Bicutan, Brgy. San Martin de Porres ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na ang biktima ay galing ng kampo dahil sa nag-physical fitness at habang sakay ng kanyang kotse gamit nito ang kanyang cellphone.
Laking gulat na lamang ng babaeng opisyal nang agawin sa isang lalaki ang kanyang cellphone.
Nabatid na lumabas si Escober ng kanyang sasakyan at hinabol ang suspect ngunit hindi na niya ito nakita. Nanlulumong bumalik ang naturang opisyal sa kanyang sasakyan at dahil sa wala na itong magawa, nagtungo na lang sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang kanyang sinapit. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended