^

Metro

Police informer itinumba habang nagbibilyar

-
Isang umano’y informer ng police ang iniulat na binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una’y naglalaro ng bilyar kahapon ng madaling araw sa Novaliches, Quezon City.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Abulais Lao Carasigan, 32, ng Marawi City at pansamantalang nanunuluyan sa San Roque Market Highway, Sta. Monica ng nasabi ding lungsod bunga ng tinamong apat na tama ng bala ng baril sa katawan.

Base sa imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling araw sa Billiard Hall na pag-aari ni Normie Madayao Stanbil sa Sarmiento Ext., Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Nabatid na naglalaro ng bilyar ang biktima kasama ang kaibigang si Cannid Tarunan nang biglang pumasok ang hindi nakikilalang lalaki na armado ng cal.45 baril.

Walang sabi-sabing pinaputukan nito ang biktima nang malapitan at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa isinagawang pagpaslang, gayunman maaari umanong pinagkamalan ng suspect na police asset ang nasawi na siyang nagti-tip sa mga awtoridad sa mga aktibidades ng sindikato ng droga. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ABULAIS LAO CARASIGAN

BILLIARD HALL

CANNID TARUNAN

DORIS FRANCHE

MARAWI CITY

NORMIE MADAYAO STANBIL

NOVALICHES

QUEZON CITY

SAN ROQUE MARKET HIGHWAY

SARMIENTO EXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with