^

Metro

Takot makalaboso, binatilyo nagbigti

-
Dahil sa takot na makalaboso, isang dating addict ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili makaraang makatanggap ito ng subpoena sa kasong pagnanakaw, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Si Joel Santos, 19, residente ng 817 Almario St., Tondo, Maynila ay tinangka pang isugod sa pinakamalapit na ospital ng kanyang mga kamag-anak subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Nabatid mula sa report ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang matuklasan ang bangkay ni Santos na nakabigti sa kanilang banyo gamit ang isang nylon cord.

Ayon kay Jesus Santos Jr., nakatatandang kapatid ng biktima, ilang araw bago naganap ang insidente ay nakatanggap ang kanyang kapatid ng subpoena mula kay Asst. Prosecutor Alfredo Ampuan sa kasong theft.

Sinasabing mula noon ay naging malulungkutin na umano si Santos at kamakalawa ng hapon, habang nanonood ang magkapatid ng TV sa kanilang bahay, bigla na lamang itong tumayo at pumasok sa kanilang banyo.

Matapos ang mahigit kalahating oras ay hindi pa rin lumalabas si Santos sa banyo kung kaya kinatok na ito ng kanyang nakatatandang kapatid subalit nang hindi ito sumagot ay pinuwersa na nitong buksan ang pintuan at tumambad sa kanilang harapan ang nakabigting biktima. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ALMARIO ST.

AYON

CRUZ

DAHIL

JESUS SANTOS JR.

MATAPOS

MAYNILA

NABATID

PROSECUTOR ALFREDO AMPUAN

SI JOEL SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with