^

Metro

98 'hoodlum in rob' naparusahan

-
Umaabot na sa 98 "hoodlums in robe" ang napatawan ng parusa habang 895 naman ang nahaharap sa kaso noong nakalipas na taon.

Ito ang nilalaman ng isinumiteng 338 pahinang report ng hudikatura sa Appropriations Committee kaugnay na rin sa P7.612 bilyong panukalang budget nito sa susunod na taon.

Nakasaad sa report ng Korte Suprema na 97 sa 98 hukom na napatawan ng parusa ay pawang miyembro ng lower courts habang ang isa ay Court of Appeals justice.

Sa naturang bilang, isa rito ay CA justice, dalawang regional trial court judges at 3 municipal trial court judges ang nadismis sa serbisyo.

Nilalaman pa ng ulat na 6 sa lower court judges ang nasuspinde noong nakalipas na taon habang 63 ang pinagmulta, 17 ni-reprimand, 5 binalaan lamang at isa ang tinanggalan ng benepisyo.

Sinabi ni committee chairman Rep. Rolando Andaya Jr. na 895 ang bilang ng naitalang reklamo laban sa mga hukom at mahistrado na nakabinbin pa rin hanggang Disyembre 31, 2001.

Bukod sa mga hukom, kabilang din sa mga kinasuhan ay 103 court personnel, 17 dito ang tinanggal sa trabaho, 14 ang sinuspinde, 38 ang pinagmulta, isa ang na-censured, 11 reprimanded, 21 admonished o binalaan at isa ang tinanggalan ng benepisyo. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

APPROPRIATIONS COMMITTEE

BUKOD

COURT OF APPEALS

DISYEMBRE

KORTE SUPREMA

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

NAKASAAD

NILALAMAN

ROLANDO ANDAYA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with