^

Metro

Mister ng PSN reporter sinaksak

-
Nasa kritikal na kalagayan ang asawa ng PSN reporter na si Angie dela Cruz, makaraang saksakin ng isa niyang kapitbahay na sinita nito dahil nagdya-jumper ng kuryente, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Si Alex dela Cruz, 32, ng 73 E. Jacinto St., Doña Aurora, Quezon City ay nagtamo ng saksak sa kaliwang dibdib at ngayon ay ginagamot sa Delos Santos Medical Center.

Pinaghahanap naman ang suspect na si Rodrigo de Leon Cruz, ng nasabi ring address na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Sa pahayag ng asawa ng biktima, katatapos lamang nilang mag-almusal dakong alas-7:30 ng umaga nang sitahin ng kanyang asawa si Rodrigo dahil sa umano’y pagdya-jumper nito ng kuryente na naging dahilan sa muntikan nang pagkakasunog sa kanilang lugar.

Nagalit ang suspect kung kaya’t biglang sinaksak ang kanyang asawa sa dibdib. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ANGIE

CRUZ

DELOS SANTOS MEDICAL CENTER

DORIS FRANCHE

JACINTO ST.

LEON CRUZ

NAGALIT

PINAGHAHANAP

QUEZON CITY

RODRIGO

SI ALEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with