^

Metro

"Pinatay ninyo ang anak ko" – Mrs. Macaldo

-
"Hindi nanlaban ang aking anak, pinatay ninyo siya."

Ito ang naging pahayag ni Mrs. Rosita Macaldo, ina ng nasawing suspect na umano’y pumaslang kay dating Councilor Chika Go na si Victor Macaldo sa mga pulis na sinasabing nakapatay sa anak.

Binanggit pa ng ina nito na maraming magpapatotoo na hindi nagtangkang tumakas o nanlaban man lamang ang kanyang anak, kundi nagmamakaawa na ito ay pinaulanan pa rin ng bala ng baril ng mga pulis.

Base sa unang report si Macaldo, 27, ng Merry Homes, Bacoor, Cavite ay nagpumiglas umano sa kamay ng pulisya habang ito ay dadalhin sa korte upang isailalim sa arraignment sa kinakaharap nitong kasong murder sa MTC Branch 14.

Ito ay kinuha buhat sa kinapipiitan nitong Integrated Jail kasama sina PO2’s Jonathan Cruz; Leslie Teodoro Bautista at SPO3 Mari.

Binanggit pa sa ulat na tinangka umanong itakas ng dalawang hindi kilalang lalaki si Macaldo. Dahilan upang magkaroon ng putukan.

Ito umano ang sinamantala ni Macaldo at tinangkang agawin ang baril ni PO2 Bautista kaya napilitan ang pulis na barilin ito.

Marami ang hindi makumbinsi na nanlaban si Macaldo, kundi ito umano ay pinatahimik para hindi na makapagbunyag pa ng kanyang nalalaman.

Nagtataka din si Mrs. Macaldo nang sabihin ng mga pulis na inilabas ng kulungan ang kanyang anak dahil sa may hearing ito, gayung wala siyang alam na schedule ng pagdinig kamakalawa.

Samantala, iniutos naman ni WPD director Senior Supt. Pedro Bulaong na imbestigahan ang insidente upang mabatid kung totoong nanlaban o sadyang pinatay ang naturang suspect para hindi na makapagbulgar pa ng kanyang nalalaman. (Ulat ni Grace Amargo)

BINANGGIT

COUNCILOR CHIKA GO

GRACE AMARGO

INTEGRATED JAIL

JONATHAN CRUZ

LESLIE TEODORO BAUTISTA

MACALDO

MERRY HOMES

MRS. MACALDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with