2 'Pentagon' timbog sa P2-M kotong sa Jollibee
October 10, 2002 | 12:00am
Dinakip ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Anti-Organized Crime Commission Special Project Group ang isang miyembro ng Philippine Army na pinaghihinalaan ding miyembro ng Pentagon Group at isa pang galamay nito matapos na tangkaing kikilan ng P2 milyon ang executive ng Jollibee Food Corporation.
Ang mga suspect na iprinisinta kahapon ni NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco ay nakilalang sina Pfc. Noel Corsino, na nakatalaga sa Camp Aguinaldo at Omar Rintuza ng Centennial Village, Bicutan, Taguig.
Ang dalawa ay naaresto sa isinagawang entrapment operation sa loob ng Polytechnic University of the Philippines (PUP).
Ayon kay Velasco ang pagkakadakip sa dalawa ay bunsod na rin ng reklamong iniharap ni Dioscoro Dimaculangan, isang corporate affairs manager ng nasabing food chain.
Sinabi sa ulat na nagpakilalang mga miyembro ng Pentagon group ang dalawa at sapilitang nanghihingi ng halagang P2 milyon kay Dimaculangan. Nanakot ang mga ito na kung hindi magbibigay ay pasasabugin nila ang main office at limang sangay ng Jollibee sa Metro Manila.
Nagkasundo si Dimaculangan at ang mga suspect sa halagang P500,000 at sa ikatlong pay-off isinagawa ang entrapment laban sa mga ito.
Tiwala naman ang mga suspect dahil sa nakakuha na sila ng paunang bayad subalit hindi nila alam na inihanda na ang patibong laban sa kanila.
Kinasuhan ang dalawa ng robbery extortion. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest