^

Metro

2 miyembro ng white slavery ring, timbog

-
Nadakip ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang dalawang miyembro ng white slavery ring, kasabay ng pagkakaligtas sa 16 na kabataan na matagal nang itinatago ng mga suspect sa Caloocan City.

Sa ulat na tinanggap ni NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco kay Supt. Arnold Aguilar ng Regional Intelligence and Investigation Division (RIID) na ang pagkakaligtas sa mga biktima ay bunga na rin ng pakikipagtulungan ng mga kamag-anak nito.

Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Estella Calderon, alyas Beng, 38, at Razel Laraya, 20, kapwa nagpapatakbo ng Lucky 5 Employment Agency ng Lot 4 Block 3 Tamban St., Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Samantala, nananatiling nakakalaya ang recruiting officer na si Luz Endico.

Nabatid na bago pa man maaresto ang mga suspect, nagharap pa ng kasong kidnapping at serious illegal detention ang kapatid ng isa sa mga biktima makaraang humingi umano si Calderon ng halagang P10,000 para sa kalayaan ng kanyang kapatid sa kamay ng sindikato.

Dahil dito, nagsagawa ng operasyon ang RIID sa naturang employment agency noong Sabado dakong alas- 4 ng hapon laban sa mga suspect.

Matapos na madakip, nasagip din ang 16 na kabataang biktima ng mga ito.

Ang mga suspect ay sasampahan na ng kasong kidnapping at serious illegal detention sa Caloocan City Prosecutor’s Office. Samantalang ang mga biktima ay dinala sa kustodya ng DSWD. (Ulat ni Doris Franche)

ARNOLD AGUILAR

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY PROSECUTOR

DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

DORIS FRANCHE

EMPLOYMENT AGENCY

ESTELLA CALDERON

LUZ ENDICO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with