Tumulong sa obispo, trader nakalaboso
October 8, 2002 | 12:00am
Isang batang negosyante ang nakalalaya ngayon sa bisa lamang ng piyansa nang dahil sa pagtulong sa pumalpak na CBCPNet ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Umapela ang ama ni Emerson Calingo na si Ernesto sa CBPC na panagutan ang malaking utang nito upang makaligtas sa pag-uusig ang anak.
Si Emerson ay may maliit na computer firm na Micromation System na tumulong mag-supply ng 100 computer nang ilunsad ng CBCP ang CBCPNet.
Dahil proyekto ng simbahan, pumayag si Emerson na mamagitan sa mga supplier para mabigyan ng 200 computer units ang CBCPNet. Nag-isyu ng P2.1 milyong tseke ang CBCP sa kompanya ni Emerson na ibinayad sa LP Electronics na siyang nag-supply ng mga computer pero tumalbog ang tseke.
Nakulong sumandali si Emerson sa Makati City jail pero lumaya rin sa piyansa.
Gayunman, tuluyang naapektuhan ang munti niyang negosyo dahil sa paghahabol sa CBCP na tumatangging panagutan ang utang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am