2 Taiwanese, Pinoy timbog sa 2 kilo ng shabu
October 8, 2002 | 12:00am
Dalawang Taiwanese at isang Pinoy ang dinakip ng mga tauhan ng Regional Intelligence and Special Operation Office (RISOO) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang buy-bust operation noong Linggo kung saan nasamsam sa mga ito ang may dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P4 milyon.
Ang mga suspect na iniharap ni NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco ay nakilalang sina Jacky Lim, 28; Robert Tan Cruz, 32, kapwa Taiwanese at ang Pinoy na si Mario Caratao, 38.
Ayon sa ulat, matagal na umanong minamanmanan ng mga awtoridad ang aktibidades ng tatlo na sinasabing kabilang sa isang malaking sindikato na nagkakalat ng ipinagbabawal na gamot.
Isang operasyon ang inihanda ng RISOO na isinagawa sa Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan kung saan nadakip ang mga suspect.
Bukod sa dalawang kilo ng shabu na nasamsam sa mga ito, nakumpiska rin sa tatlo ang isang timbangan, isang Mitsubishi Galant na may plate number TNT 928 at isang Mitsubishi L-300 na ginagamit nila sa operasyon.
Ang mga nadakip ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended