^

Metro

100 bahay tupok sa QC, lola nawawala

-
Isang matandang babae ang iniulat na nawawala samantalang tinatayang aabot sa isandaang kabahayan ang natupok ng apoy sa isang sunog na naganap kahapon ng tanghali sa Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-12:15 ng tanghali nang magsimula ang sunog sa mga kabahayan sa isang squatters area sa may ilalim ng tulay sa may Brgy. Sta. Cruz, Araneta Avenue ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga residente, bago sumiklab ang apoy ay isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig mula sa isang bahay matapos ay agad na kumalat ang apoy dahil na rin sa dikit-dikit ang mga kabahayan doon.

Naapula ang apoy mga bandang ala-1:28 ng hapon bagamat nahihirapan ang mga pamatay-sunog na makapasok sa lugar.

Kinukumpirma pa rin sa ulat ang tungkol sa isang 80-anyos na matandang nawawala na hinihinalang na-trap sa naturang sunog. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ARANETA AVENUE

AYON

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CRUZ

ELLEN FERNANDO

ISANG

KINUKUMPIRMA

NAAPULA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with