^

Metro

Nairita sa sermon, binata nanaksak

-
Isang 32-anyos na negosyante ang sinaksak ng kanilang ampon matapos umanong mairita ang huli dahil sa lagi siyang sinisermunan ng una hinggil sa kawalan ng trabaho nito na naganap kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Ginagamot sa Perpetual Help Medical Center ang biktima na nakilalang si Hector Cada, 32, may-asawa, nakatira sa Lourdes St., Fatima Subdivision, Barangay Zapote ng lungsod na ito, nagtamo ng saksak sa katawan buhat sa isang patalim.

Samantala, kaagad na tumakas ang suspek na nakilalang si Jericho Hugo, 21, binata, walang trabaho, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Robert Alipalo, ng Criminal Investigation Division (CID), Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:30 kahapon ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Nabatid na ang suspek ay ampon ng mga magulang ng biktima at sila na ang nagpalaki dito.

Napag-alaman na madalas umanong sermunan ng biktima ang suspek dahil sa kawalan nito ng trabaho.

Dahil dito nairita ang suspek at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng biktima at kumuha ito ng patalim hanggang sa inundayan ng saksak si Cada.

Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY ZAPOTE

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

FATIMA SUBDIVISION

HECTOR CADA

JERICHO HUGO

LAS PI

LORDETH BONILLA

LOURDES ST.

PERPETUAL HELP MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with