Budget officer ng pamilya Gatchalian, dinukot
October 5, 2002 | 12:00am
Pulitika ang isa sa tinitingnang motibo ng pulisya sa pagkakidnap sa 26-anyos na budget officer ng plastic company, ang WINEX Gatchalian na pag-aari ng pamilya ni Congressman Sherwin Gatchalian ng 1st District ng Valenzuela City.
Ang biktima na dinukot noong nakalipas na Martes at pinalaya matapos ang ilang oras na pagkabihag ay kinilalang si Elsie Marcos.
Binanggit na ang biktima ay kinuha ng dalawang armadong kalalakihan sa loob ng isang bus sa may Karuhatan ng nabanggit na lungsod.
Puwersahan umano siyang pinababa ng bus habang nakatutok sa kanyang likuran ang dala nitong baril at saka isinakay sa isang kotseng Lancer. Sa loob ng kotse ay piniringan na ang kanyang mga mata at dinala sa isang bahay na hindi niya alam kung anong lugar.
Doon umano siya sinimulang takutin at tanungin ng mga suspect. Isa sa mga ito umano ang nagsabi sa kanya na "sabihin mo kay congressman na tigilan na niya ang pagpapapogi".
Tinanong din umano siya ng mga ito kung magkano ang ibinayad ni congressman sa mga COMELEC officials noong nakalipas na eleksyon.
Pinakawalan lamang siya dakong alas-9 ng gabi kung saan iniwan siya sa isang masukal na lugar.
Gayunman, patuloy pa ring sinisiyasat ang insidente para matiyak kung ano ang motibo dito at kung sino ang may kagagawan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended