^

Metro

Parricides isinampa sa ama na nagmasaker sa pamilya

-
Isinampa na kahapon sa Parañaque Prosecutors Office ang tatlong counts ng parricide at frustrated parricide laban sa 66-anyos na lolo na nagmasaker sa kanyang asawa, anak at manugang at malubha pang nakasugat sa kanyang apo, kamakalawa ng madaling araw sa nabanggit na lungsod.

Ang kinasuhan ay si Magno Cahutay, ng Barangay BF Homes, Parañaque City. Magugunitang naging biktima ng pamamaslang ang asawa nitong si Crisanta, 65; anak na si Ofelia at manugang na si Samuel Fernandez. Maging ang 7-anyos na apo na si Ulysis ay pinagtataga din nito at ngayon ay ginagamot sa Parañaque City Medical Center.

Walang takot na inamin ng suspect ang ginawang krimen kasabay nang pagsasabing hindi na niya matiis ang ginagawang pagmamaltrato sa kanya.

Lalo itong nagdamdam ng hindi bigyan ng kanyang asawa ng pera para ipambili ng gamot niya sa mata. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CITY MEDICAL CENTER

CRISANTA

ISINAMPA

LORDETH BONILLA

MAGNO CAHUTAY

MAGUGUNITANG

OFELIA

PROSECUTORS OFFICE

SAMUEL FERNANDEZ

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with