^

Metro

Sec. Alvarez kinasuhan ng DENR employees

-
Pormal nang kinasuhan kahapon ng mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) si DENR Secretary Heherzon Alvarez.

Sa kanilang reklamo, sinabi ng DENR employees, kasong administratibo ang nais nilang isampa kay Alvarez bunsod ng anila’y katiwalian na ginagawa nito sa pamamalakad sa ahensiya.

Partikular na inireklamo ng mga empleyado ang kuwestiyonableng pagkuha umano ni Alvarez ng sobrang daming consultant, gayong hanggang 13 lamang ang pinapayagan ng pamahalaan.

Malaking halaga umano ng pondo ang nasasayang sa pamahalaan dahil lamang sa pagpapasuweldo sa mahigit 50 consultant na kinuha ni Alvarez na dapat anila’y ang pondong ito ay ipamamahagi na sa mga unpaid benefits ng ahensiya para sa mga empleyado.

Umaasa rin ang naturang mga empleyado na agad kikilos hinggil dito ang PAGC dahil ang kahalintulad na kaso na kanilang isinampa sa Ombudsman ay hindi pa rin naaaksyunan.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Alvarez na hindi ang DENR ang nagbabayad sa sobrang consultant ng tanggapan kundi ang mga dayuhan na may foreign-assisted projects sa ahensiya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALVAREZ

ANGIE

CRUZ

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MALAKING

PARTIKULAR

PORMAL

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

SECRETARY HEHERZON ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with