^

Metro

Supplier ng armas ng NPA, arestado

-
Nasakote kahapon ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Phil. Air Force ang tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang supplier ng armas ng New People’s Army (NPA).

Kinilala ni NBI director Reynaldo Wycoco ang tatlong nadakip na sina Ramon Villarca, 48; Mario Matic, 62, at Vic Garcia, 50.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon laban sa mga suspect makaraang makatanggap ng impormasyon ang NBI tungkol sa umano’y pagsu-supply ng matataas na kalibre ng mga nadakip sa grupo ng mga rebeldeng NPA na nakabase sa Central Luzon.

Bukod dito, binanggit pa na ang tatlong suspects ay responsable rin sa serye ng panghoholdap sa mga bus, jewelry shops at convenient stores.

Nasamsam sa mga ito ang matataas na kalibre ng baril na kinabibilangan ng anim na .45 cal., armalites, anim na shotguns at iba’t ibang uri ng magazines at mga bala. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AIR FORCE

AYON

BUKOD

CENTRAL LUZON

MARIO MATIC

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEW PEOPLE

RAMON VILLARCA

REYNALDO WYCOCO

VIC GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with