^

Metro

Kontrol sa pulis, ibinalik na sa mayors

-
Hawak na muli ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) ang nasasakupan nilang lokal na pulisya matapos na lagdaan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang isang direktiba na nag-uutos sa pagbabalik ng kontrol sa lokal na pamahalaan.

Ang direktibang ito ay nakapaloob sa Memorandum Order No. 77 na nag-aatas sa NAPOLCOM na bigyang kapangyarihan ang mga mayor sa may 13 siyudad at 4 na munisipalidad sa NCR na pangasiwaan ang operational control at supervision sa territorial units ng PNP sa kanilang mga hurisdiksyon.

Buo naman ang suportang ibinigay ng pamunuan ng PNP sa naturang kautusan at wala silang nakikitang problema ukol dito.

Nilinaw ni Police Community Relations Group chief General Ricardo de Leon na sa kabila ng naturang direktiba magkakaroon pa rin ng close coordination sa pagitan ng PNP at mga local government units sa NCR.

Itinanggi naman nito ang posibleng pagkakaroon ng pang-aabuso ng mga mayor sa mga hawak nilang pulis dahil sa masusing babantayan ng DILG ang mga ito at mas magiging mapanuri ngayon ang Commission on Human Rights (CHR).

Maraming tumututol sa naturang hakbang dahil sa posibilidad na gamitin ang mga pulis ng mga pulitiko bilang mga private army, gayunman idinahilan naman ng ibang pabor na makakatulong ang naturang aksyon dahil sa diretsong makapagbibigay na ng tulong pinansiyal at mga kagamitan ang mga lokal na pamahalaan sa mga police stations sa kanilang mga lugar. (Ulat nina Lilia Tolentino at Danilo Garcia)

BUO

DANILO GARCIA

GENERAL RICARDO

HUMAN RIGHTS

LILIA TOLENTINO

MEMORANDUM ORDER NO

NATIONAL CAPITAL REGION

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

POLICE COMMUNITY RELATIONS GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with