^

Metro

1 todas sa bus holdap

-
Isang 33-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi makaraang holdapin ng limang kalalakihan ang isang pampasaherong bus, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Patay na nang idating sa Fairview General Hospital ang biktima na nakilalang si Edward Macaraya ng Montalban, Rizal sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa leeg.

Lumitaw sa imbestigasyon na dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang lulan ng Jell Transport bus ang biktima patungong Fairview. Tinatayang may 50 pasahero ang lulan ng bus nang holdapin ng limang armadong suspect sa may Philcoa sa Commonwealth Avenue ng nabanggit na lungsod.

Habang kinukulimbat ng mga suspect ang mga gamit at pera ng mga pasahero ay biglang tumayo si Macaraya at nagtangkang sugurin ang isa sa suspect subalit agad itong binaril.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspect matapos ang ginawang panghoholdap. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

COMMONWEALTH AVENUE

DORIS FRANCHE

EDWARD MACARAYA

FAIRVIEW

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

HABANG

ISANG

JELL TRANSPORT

LUMITAW

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with