^

Metro

Singil sa tubig dodoble sa 2003

-
Malaki ang posibilidad na madoble ang singil sa tubig sa susunod na taon kung hindi gagawa ng paraan ang Malacañang para maputol ang hindi magandang gawain na ito ng dalawang higanteng kompanya ng tubig sa Metro Manila.

Ito ang naging babala kahapon ni CIBAC Partylist Rep. Emmanuel Joel Villanueva bunsod na rin sa hinihinging pagtataas ng singgil ng dalawang water concessionaires sa bansa simula sa Enero 2003.

Ayon sa mambabatas, tinatayang aabot sa P31.30 bawat cubic meter ang singgil sa tubig ng Maynilad Water habang P19.64 naman sa Manila Water mula sa dating P15.46 at P6.75 per cubic meter.

Sinabi ni Villanueva na walang naitulong ang MWSS Regulatory Office na siyang inatasan ng batas para protektahan ang mga consumer.

Sa kabila ng mga umano’y ebidensiya kaugnay sa hindi magandang performance ng dalawang concessionaires ay hindi rin kumikilos ang ehekutibo ukol dito. (Ulat ni Malou Escudero)

AYON

EMMANUEL JOEL VILLANUEVA

ENERO

MALOU ESCUDERO

MANILA WATER

MAYNILAD WATER

METRO MANILA

PARTYLIST REP

REGULATORY OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with