5 pang artista ipinaaaresto ng BI
October 3, 2002 | 12:00am
Muling tinaningan ng Bureau of Immigration ang limang movie personalities na wala pa ring kaukulang working permits o visas ng isa pang linggo na makipag-ugnayan sa bureau at kung hindi ay mahaharap sila sa pagkaaresto at itatapon palabas ng bansa.
Ang ultimatum ay ibinigay ni Immigration Commissioner Andrea Domingo laban kina Rafael Rosell IV, Billy Crawford, Maureen Larazabal, Amanda Griffin at Ladine Roxas na pawang mayroon ng mga mission order para dakpin ng kanilang intelligence agents.
Batay sa imbestigasyon ng BI nabatid na ang limang nabanggit ay dumating sa bansa bilang mga turista at hindi nagtataglay ng working permit kaya wala silang karapatang magtrabaho sa bansa.
Sa kabilang banda, pinagmulta na rin ni Domingo ng halagang P100,000 ang aktres at commercial model na si Nancy Castiglione, isang Canadian citizen makaraang lumutang na ito sa nabanggit na tanggapan kahapon kasama ang kanyang abogado para ayusin ang kanyang mga dokumento para makapanatili sa bansa at makaiwas sa pagka-aresto.
Idinagdag pa ni Domingo na hanggang ngayon ay nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon sa status ng 40 iba pang foreign artist at atleta na maaari ring arestuhin kapag napatunayang ilegal na nagtatrabaho sa bansa.(Ulat ni Jhay Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest