^

Metro

4-anyos hinostage ng ama

-
Isang 4-anyos na paslit ang nasagip ng mga tauhan ng pulisya makaraang i-hostage ng kanyang lasenggong ama, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Umabot ng halos apat na oras ang isinagawang negosasyon bago nailigtas ng pulisya ng Special Weapon And Tactics (SWAT) team ang biktimang nakilalang si Ariel Danao sa kamay ng malupit niyang ama na si Erwin, 40, ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente nang biglang agawin ng suspect ang anak sa kanyang misis na si Luzviminda matapos na sabihin ng huli sa una na hihiwalayan niya ang mister dahil sa pagiging iresponsable nito.

Nauna na umanong binugbog ng lasing na suspect ang asawa matapos na walang datnang pagkain sa hapag-kainan. Nakapagbitiw ng masasakit na salita ang misis kaya nabanggit nito na iiwan na niya ang kanyang mister.

Dito na nagalit ang suspect at hinostage ang kanilang 4-anyos. Tinutukan ito ng patalim sa leeg.

Habang isinasagawa ang negosasyon nakakita ng pagkakataon ang pulisya at nasagip ang bata.(Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ARIEL DANAO

CALOOCAN CITY

DITO

ERWIN

HABANG

ISANG

LUZVIMINDA

NAKAPAGBITIW

ROSE TAMAYO

SPECIAL WEAPON AND TACTICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with