^

Metro

'Rey Malonzo' niratrat, patay

-
Tinambangan at napatay ng pitong hindi nakikilalang kalalakihan ang isang nagngangalang Rey Malonzo, (hindi ang aktor/mayor), habang isa pa ang nasa kritikal na kalagayan, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Manila.

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio ang biktimang si Rey Malonzo, 17, helper ng Parola compound ng nasabing lugar matapos na magtamo ng tama bala ng baril sa batok.

Sugatan naman ang isa pang kasamahan ng nasawi na si Rufino Alcantara, 14.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan sa pitong suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Parola compound sa Area B ng nasabing lugar.

Sinasabing kasalukuyang naglalakad ang mga biktima sa naturang lugar ng biglang paulanan ng bala ng baril ng mga salarin.

Maaari umanong napagkatuwaan ng mga suspect ang mga biktima. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AREA B

CRUZ

GAT ANDRES BONIFACIO

MAAARI

NABATID

NAMATAY

PAROLA

REY MALONZO

RUFINO ALCANTARA

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with