^

Metro

Ina na-praning sa gutom, 2 anak pinatay

-
Dahil sa sobrang kahirapan at kawalan ng makakain, isang ina ang nabaliw at nakapatay sa dalawang paslit niyang anak sa loob ng kanilang bahay sa Bagong Silang, Caloocan City kahapon ng umaga.

Masuwerte namang nakaligtas at nakatakas ang isa pa nitong anak na tinangka ring patayin ng ina.

Kinilala ni Senior Supt. Benjardi Mantele, Caloocan City Police chief ang nasawing mga biktima na sina Jaypee, 11 at Jerlyn Estodillo, 9, ng Phase 2 Package 1, Block 13, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Samantala, nakaligtas naman sa tiyak na kapahamakan ang isa pang anak na si Jemma, 12.

Nasa kustodya na ng pulisya ang suspect na ina na si Rosalinda Estodillo, 43, ng nabanggit ding tirahan.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Leonilo Antonio Padulaga, may hawak ng kaso dakong alas-3 ng madaling araw nang isagawa ng suspect na ina ang krimen na habang natutulog ang kanyang mga anak ay isa-isa niyang sinakal hanggang sa mamatay. Ganito rin ang ginawa kay Jemma na masuwerte namang nakawala sa ina at nakatakas.

Dakong alas-7 ng umaga ng madiskubre ang krimen, habang ang suspect na si Rosalinda na tila wala na sa sarili ay inaresto ng pulisya sa bahay ng isa nilang kapitbahay na gutom na gutom at nakiki-almusal.

Napag-alaman mula sa ilang kapitbahay ng pamilya Estodillo na si Rosalinda ay matagal na umanong inabandona ng kanyang asawa at pati na rin ang tatlo pa nitong anak.

Dahil na rin sa sobrang kahirapan at dami ng problema nitong dinadala ay posibleng nagkasakit na ito sa pag-iisip.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

BAGONG SILANG

BENJARDI MANTELE

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAHIL

JEMMA

JERLYN ESTODILLO

LEONILO ANTONIO PADULAGA

ROSALINDA

ROSALINDA ESTODILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with