Anak ng Barangay Chairman kalaboso sa panunutok at pangangarate
September 30, 2002 | 12:00am
Kalaboso ngayon at nahaharap sa mga kasong kriminal ang anak ng isang barangay chairman matapos na tutukan ng armalite at karatihin kasama pa ang kanyang anak ang isang taxi driver, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.
Sinampahan na ng kasong physical injuries at grave threats ang suspek na si Bernie Evangelista, anak ni Brgy. Captain Umpay Evangelista ng Brgy. Addition Hills. Kasama ring sinampahan ng kaso ang anak nitong si Isagani at isang Caloy.
Sa reklamo ng biktimang si Rodolfo Bautista, 42, ng Correctional St., Brgy. Addition Hills, nililinis niya ang kanyang taxi nang lapitan siya ni Evangelista at paasik na sabihan na iparada niya sa ibang lugar ang taxi dahil sa dadaan ang isang parada sa piyesta ng patron nilang si San Miguel.
Sumagot naman si Bautista na matatapos na siyang maglinis at ipaparada na niya sa ibang lugar ang taxi. Sinabihan rin nito si Evangelista na utusan rin ang ibang may kotse na paalisin rin ang ibang sasakyan na nakaharang sa daan.
Dito umalis si Evangelista at nang bumalik ay armado na ito ng isang M-16 armalite rifle kasama pa ang kanyang anak at si Caloy. Agad na pinagsusuntok at tinadyakan ng tatlo ang biktima matapos na tutukan ng baril. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest