^

Metro

Fil-Chi trader ninakawan ng P3-M ng sariling sikyu at 7 maids

-
Isang Fil-Chinese businesswoman na may-ari ng pabrika ng sardinas ang ninakawan ng mahigit P3 milyong halaga ng cash at alahas ng kanyang security guard at pitong katulong kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si Constantina Ngo, 30 anyos, may-ari ng Youngtown’s sardines at nakatira sa 1815 Hidaldo Lim St., Malate, Manila.

Ang pinaghahanap naman ng mga tauhan ng Western Police District ay nakilalang sina Romeo Juanitas, security guard ng High Profile Security Agency na may opisina sa room 202 Eugenio Bldg., Paso de Blas, Valenzuela City; at ang 7 katulong na nakilala lamang sa mga pangalang Lakaldula, Gina, Gingging, Joan, Aileen, Baby at Maricel.

Ayon sa ulat ni SPO2 Renato Perez ng WPD theft and robbery section, naganap ang pagnanakaw sa tahanan ni Ngo dakong alas-10 kamakalawa ng gabi habang wala sa tahanan ang pamilya Ngo.

Napag-alaman ng pulis na bago maganap ang pagnanakaw ay naka-duty sina Renato Tolero at Jose Celestial ng maagang dumating si Juanitas at agad niyang pinalitan ang naka-duty na guwardiya na si Tolero.

Ilang minuto ang nakalipas ay biglang tinutukan ng baril ni Juanitas ang kasamang guwardiya na si Celestial saka dinis-armahan at ikinulong sa isang bakanteng kuwarto.

Sa tulong naman ng mga katulong sa bahay ay nagawang malagare ni Juanitas ang gate na bakal ng bahay ni Ngo hanggang sa looban na nila ito at limasin ang mahahalagang gamit at cash na nagkakahalaga ng P3 milyon.

Mabilis na tumakas si Juanitas na dala ang service revolver nitong kalibre .38 at shotgun kasama ang pitong katulong lulan ng isang tricycle. (Ulat ni Rudy Andal)

CONSTANTINA NGO

EUGENIO BLDG

HIDALDO LIM ST.

HIGH PROFILE SECURITY AGENCY

ISANG FIL-CHINESE

JOSE CELESTIAL

JUANITAS

NGO

RENATO PEREZ

RENATO TOLERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with