11 anyos nailigtas sa rapist
September 30, 2002 | 12:00am
Nailigtas ng mga awtoridad ang puri ng isang 11-anyos na estudyante sa kamay ng isang manyak na jeepney driver matapos na maaktuhan ng mga pulis ang huli habang ginagawan ng masama sa isang madilim na lugar sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nanginginig pa ang katawan ng magsumbong sa pulisya dahil sa labis na takot ay itinago sa pangalang Josie, first year student ng Calderon High School.
Kasalukuyan namang nakapiit sa detention cell ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police ang suspek na si Renato Catindo, 32 at naninirahan naman sa 299 Ramon Compound, Baesa ng nasabing lungsod.
Ayon kay PO2 Joel Montebon, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa isang madilim na lugar sa Bagong Barrio, Caloocan City.
Diumano, kasalukuyang nagpapatrulya ang mobile car 133 ng Caloocan City Police na kung saan lulan sina PO2 Noel Liton, PO1s Rolando Mediana at Ferdinand Naval nang mamataan ng mga ito ang jeep na pinapasada ng suspek.
Nabatid sa tatlong pulis, na naghinala umano sila sa nakaparadang jeep na may plakang TVS-733 dahil isang bata ang napansin nilang pumapalag sa nasabing driver.
Agad na tinungo ng mga ito ang kinapaparadahan ng jeep hanggang sa makita ng mga ito ang biktima na nanginginig sa takot habang nakatutok ang patalim ng suspek sa tagiliran nito.
Mabilis na bumunot ng baril ang tatlong pulis kayat napilitang sumuko ang suspek at napag-alaman pang tanggal na ang zipper ng pantalon ng nabanggit na driver. (Ulat ni Rose I. Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended