Driver/Bodyguard ni Rod Navarro tugis sa pananagasa
September 28, 2002 | 12:00am
Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang umanoy driver at bodyguard ng komentaristang si Rod Navarro na umanoy nanggulpi at nanagasa sa isang magkaibigan na nakaaway nito sa loob ng isang videoke bar sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Ginagamot sa National Orthopedic Hospital ang mga biktima na si Rochel Ilagan, 24 at Ernesto Racuna, 24, residente ng Cubao, Quezon City sanhi ng tinamong bali sa katawan at sugat.
Samantalang ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Alyas Rommel, sinasabing driver/bodyguard ni Navarro ay mabilis na tumakas kasama ang lima pang kasamahan nito matapos ang insidente.
Batay sa ulat, dakong ala-1:42 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa tapat ng Country Valley Restaurant sa Rodriguez Boulevard sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nagkasabay ang grupo ng suspects at ang dalawang biktima na nag-inom sa naturang videoke bar ng magkaroon ng pagtatalo.
Binugbog ng grupo ng mga suspect ang magkaibigan, hindi pa nakuntento inabangan ng mga suspect ang dalawa sa labasan at saka sinundan ng pananagasa. Hindi nakuha ang plate number ng pulang kotseng ginamit ng mga suspect nang sagasaan ang dalawang biktima. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am