^

Metro

Pekeng pulis na nagbebenta ng tiket sa concert ni Regine, dakip

-
Dinakip ng mga tauhan ng WPD ang isang lalaki na nagpanggap na pulis at nagbebenta pa ng tiket ni Regine Velasquez para umano pa-concert ng nasabing himpilan ng pulisya kahapon ng tanghali sa Paco, Maynila.

Ang dinakip ay si Julio de Vera, 52, ng 10th Avenue, Caloocan City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nadakip ang suspect matapos itong ireklamo ng isang Rowena David, 34, may-ari ng isang Promotion Agency at residente ng Singalong St.

Binanggit ng biktima na nagtungo sa kanilang tanggapan si de Vera at nagpakilalang opisyal ng pulis sa WPD. Nagbebenta ito ng tiket sa concert ni Regine para umano sa Christmas party sa himpilan ng pulisya.

Dahil sa namahalan ang biktima sa halagang P5,000 ay tumanggi ito, subalit dinaan sila sa pananakot ng suspect.

Lingid sa kaalaman ng suspect ay nakatawag na sa pulisya ang biktima kaya pagbaba niya sa tanggapan ng huli ay nakaabang na roon ang mga umaresto sa kanyang tunay na pulis. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BINANGGIT

CALOOCAN CITY

CRUZ

DAHIL

DINAKIP

LINGID

PROMOTION AGENCY

REGINE VELASQUEZ

ROWENA DAVID

SINGALONG ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with