^

Metro

Vendor patay sa pulis ng MMDA

-
Isang vendor ang iniulat na nabaril at napatay ng isang tauhan ng pulisya na kasama sa grupong Metro Manila Development Authority (MMDA) na nagsagawa ng operasyon na naglinis at nagtaboy sa mga illegal sidewalk vendor sa Makati City, kamakalawa.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang vendor na si Iladio Tuacar, makaraang magtamo ng tama ng bala buhat sa cal. 38 revolver.

Nakilala naman ang nakabaril na pulis na si SPO2 Sabado Pujeda, 42, ng SPD-TMG na nakatalaga sa tanggapan ni MMDA Chairman Bayani Fernando.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Juancho Ibis, ng homicide section, ng Makati City police naganap ang insidente dakong alas-4:45 kamakalawa ng hapon sa EDSA Avenue-Mantrade.

Nagsagawa umano ng operasyon ang grupo ng MMDA kasama si SPO2 Pujeda upang linisin at itaboy ang naglipanang sidewalk vendor. Sa gitna ng operasyon, sinasabing biglang sinalakay at binaril umano ni Tuacar si Pujeda ngunit hindi ito tinamaan, muli pa umano itong papuputukan subalit inunahan na siyang barilin ng nabanggit na pulis.

Narekober kay Tuacar ang isang Daewoo 9mm pistol na ginamit nito sa pagbaril kay Pujeda, habang ang pulis ay mabilis namang sumuko matapos ang insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AVENUE-MANTRADE

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

ILADIO TUACAR

JUANCHO IBIS

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PUJEDA

SABADO PUJEDA

TUACAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with