^

Metro

Rep. Imee Marcos biniktima ng Akyat-bahay gang

-
Muling sumalakay ang kilabot na grupo ng ‘Akyat-bahay gang’ at pinakahuling biktima ay mismong ang bahay ni Congresswoman Imee Marcos na nasa White Plains Subdivision sa Quezon City.

Nakulimbat ng naturang grupo ang hindi pa mabatid na halaga ng alahas, cash at cellular phones, gayundin ang dalawang VCD players ng solon.

Sa ulat ng pulisya, sinabi ni Imee, anak ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos, nadiskubre niyang nawawala ang naturang kagamitan sa loob ng masters bedroom sa pagitan ng alas-8 hanggang alas-9 ng gabi.

Malaki naman ang paniwala ng pulisya na ‘inside job’ ang naganap na panloloob, kaya naman dapat umanong ipinasailalim sa imbestigasyon ang mga katulong ng kongresista at maging ang security guards sa subdivision.

Sinabi naman ni Imee na hindi na niya paiimbestigahan ang kanyang mga katulong dahil sa malaki naman ang tiwala niya sa mga ito.

Nabatid na ang mga hindi pa nakikilalang suspect ay umakyat umano sa terrace ng bahay at dumaan sa sliding door ng kuwarto ng anak ni Imee na si Michael Manotoc.

Malamang umano na sumalisi ang mga magnanakaw habang siya at ang kanyang pamilya ay kumakain ng hapunan.(Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

AKYAT

ANGIE

CONGRESSWOMAN IMEE MARCOS

CRUZ

IMEE

MALAKI

MICHAEL MANOTOC

PANGULONG FERDINAND MARCOS

QUEZON CITY

WHITE PLAINS SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with