Megamall ginimbal ng 'bomb threat'
September 24, 2002 | 12:00am
Naalarma ang SM Megamall sa tangkang pananabotahe na umanoy ihahasik ng natitira pang miyembro ng Pentagon Gang sa Metro Manila.
Itoy matapos na dakpin kamakalawa dakong alas-11:20 ng gabi ang dalawang kababaihang pinaghihinalaang konektado sa grupo sa Building B ng naturang mall.
Nauna nang ibinulgar ng PNP ang umanoy planong paghahasik ng terorismo ng Pentagon gang sa Metro Manila sa pamamagitan ng kidnap-for-ransom at pambobomba sa mga commercial districts tulad ng mga shopping malls at iba pang mga matataong lugar.
Kinilala ang mga inarestong suspect na sina Michelle Gutierrez, 19, residente ng 178 Bayanan, Alabang, Muntinlupa City at Gina Villanueva, 29, ng Brgy. Ruyab, San Pedro, Laguna.
Sina Gutierrez at Villanueva ay dinakip matapos na mahuli na kahina-hinalang gumagala sa bisinidad ng mall ng guwardiyang si Henry Almonte, nakatalaga sa naturang department store.
Nang dalhin ang dalawa sa security office ng SM Megamall ay wala umano ang mga itong maikatwiran kung bakit gumagala sila at palinga-linga pa na tila may masamang binabalak nang matiyempuhan ng mga guwardiya.
Ang dalawa ay itinurn-over sa pulisya ni Almonte kung saan isinasailalim ang mga ito sa masusing imbestigasyon.
Sa presinto, sinabi ni Almonte na ipinatutupad lamang nila ang mahigpit na seguridad sa SM Megamall upang proteksyunan ang kanilang mga kostumer laban sa anumang tangkang pananabotahe. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended