^

Metro

Sanggol drinibol ng ina, patay

-
Isang sanggol na lalaki ang nasawi matapos itong gawing bola at ibagsak sa sahig ng kanyang ina na isang baliw kamakalawa ng gabi sa bayan ng Taguig.

Dead-on-arrival nang isugod sa Ospital ng Makati ang biktima na nakilalang si Jiro Talaba, 9 na buwang gulang, ng Lot 14, 032 Bagong Lipunan, Brgy. Western Bicutan ng bayang ito.

Kaagad namang dinala sa Philippine National Mental Hospital ang suspek na nakilalang si Melanie Talaba, may sapat na gulang, nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Dennis Dacanay ng Criminal Investigation Division (CID), Taguig Police, naganap ang insidente dakong alas-7 kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lugar.

Nabatid na ginawang bola at ibinagsak sa sahig ang sanggol ng kanyang ina na isang baliw.

Ayon sa kapatid ng suspek na nakilalang si Dante, nakita niya ang ginawa sa sanggol kaya’t agad nila itong isinugod sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na ito nakarating ng buhay. Ang suspek naman ay dinala sa pagamutan ng mga baliw ng mga rumispondeng pulis. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

vuukle comment

AYON

BAGONG LIPUNAN

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DENNIS DACANAY

JIRO TALABA

LORDETH B

MELANIE TALABA

PHILIPPINE NATIONAL MENTAL HOSPITAL

TAGUIG POLICE

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with