3 biktima ng salvage, itinapon sa kariton
September 21, 2002 | 12:00am
Tatlong lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang magkakapatong sa loob ng isang kariton, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Balon-Bato sa Quezon City.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Anthony Siaton, 25, construction worker, ng Bagong Barrio, Caloocan City; isang alyas Grogie at isang nasa gulang na 25 hanggang 30, may taas na 56 talampakan at may tattoo na Jimmy Reyes sa kanyang kaliwang braso.
Ayon sa ulat natagpuan ang bangkay ng mga biktima dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa isang bakanteng lote sa tabi ng Sunday Machine Works sa 78 Quirino Highway, Brgy. Balon-Bato, Q.C.
Nagtamo ang mga ito ng tama ng bala ng baril sa kanilang ulo at katawan.
Malaki ang paniwala ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang tatlo at itinapon na lamang sa nabanggit na lugar para lituhin ang imbestigasyon ng mga awtoridad. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended