^

Metro

PNP kinalampag uli ng Malacañang

-
Muling kinalampag ng Malacañang ang pamunuan ng PNP kasabay ng pagsasabing hindi sila dapat mag-relaks at kinakailangang dagdagan ang pagiging alerto laban sa muling pagsalakay ng mga kidnapper.

Ito ang naging reaksyon ng Palasyo matapos na mapaulat ang panibagong pagkidnap sa kambal na Chinese sa Coastal Road ng Parañaque, kamakalawa.

Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na hindi lamang doble kundi dapat triplehin pa ng PNP ang kanilang pagtatrabaho upang durugin ang mga kidnapper.

Magugunitang ang mga huling biktima ng pagdukot ay ang kambal na sina Welvin at Ason Tai, 17, mga anak ng may-ari ng zipper factory. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

ASON TAI

COASTAL ROAD

ELY SALUDAR

MAGUGUNITANG

MALACA

PALASYO

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with