^

Metro

Jinggoy inaayawan ng QC jail

-
Hindi tatanggapin ng pamunuan ng Quezon City Jail si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada.

Ayon kay QC Jailwarden Supt. Emilio Culang, hindi nila matitiyak ang seguridad ni Estrada sakaling dalhin ito batay na rin sa rekomendasyon ng prosecution panel na ilipat na lamang ito sa kulungan matapos na mahuli sa aktong naninigarilyo sa compound ng Veterans Memorial Medical Center sa kabila ng sinasabi nitong pananakit ng kanyang dibdib.

Inamin din ni Culang na hindi sapat ang kanilang personnel upang bigyan ng sapat na seguridad si Jinggoy lalo pa’t marami ding sumusuporta sa pamilya nito.

Bukod dito, sinabi pa ni Culang na wala na rin namang mapaglalagyan kay Jinggoy dahil crowded na ang lahat ng mga selda sa QC jail.

Maging sa pagbibigay ng escort dito tuwing maghi-hearing ay magkakaroon din sila ng problema dahil ang ratio ngayon sa jail ay 1-5 o isang jail personnel sa limang preso.

Gayunman, kung iutos ito ng korte ay wala silang magagawa, kailangan lamang na abisuhan sila ng maaga upang makagawa agad sila ng precautionary measures. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BUKOD

CULANG

DORIS FRANCHE

EMILIO CULANG

GAYUNMAN

JAILWARDEN SUPT

JINGGOY

QUEZON CITY JAIL

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with