Tomboy 32 ulit sinaksak saka ginahasa ng barangay tanod
September 21, 2002 | 12:00am
Himalang nabuhay ang isang 18-anyos na tomboy makaraang 32-ulit itong pagsasaksakin bago ginahasa ng isang barangay tanod sa Sta. Mesa, Manila, kamakailan.
Ang suspect na nakilalang si Emelito Alegre, 19, ng Dalisay St., Bacood, Sta. Mesa.
Nabatid sa isinagawang imbestigasyon ng WPD-Women and Children Desk na ang biktima na itinago sa pangalang Aileen ay kagagaling pa lamang umano sa kanilang probinsiya ng makasalubong nito ang tanod na suspect.
Bunga ng matagal na di pagkikita, inaya umano ng suspect ang biktima na uminom sandali sa isang tindahan na pinaunlakan naman ng huli.
Matapos makainom ng ilang bote ay niyaya ng suspect ang biktima malapit sa isang bakanteng lote at sinabing may ipapakita umano siya dito.
Pagdating sa lugar ay agad na pinagsasaksak ng tanod ang tomboy at saka ginahasa sa kabila na ito ay duguan na.
Matapos ang insidente ay tumakas ang suspect, subalit hindi naglaon nasangkot ito sa isang kaso ng pagnanakaw at ito ay nadakip.
Samantala, ang biktima ay himalang nabuhay sa kabila ng tinamo nitong marami at malalalim na saksak sa katawan. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest