P3,000 taas sa sahod giit ng mga guro
September 20, 2002 | 12:00am
Hiniling kahapon ng mga guro sa bagong upong DepEd Secretary Edilberto de Jesus na pagkalooban sila ng karagdagang P3,000 across the board na taas sa buwanang suweldo. Iginiit ng Metro Manila Teachers and Employee Forum (MMTEF) na aksiyunan sa lalong madaling panahon ang kanilang karaingan bunga na rin ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Ayon sa MMTEF na sa kasalukuyan ay tumatanggap lamang ang mga guro sa mga pampubliko at maging sa pribadong sektor ng P10,449 suweldo at ditoy hindi pa kabilang ang mga kaltas. Sinabi naman ni de Jesus na kailangang magkaroon ng sistema na dapat sundin bago ipatupad ang pagtataas ng sahod. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended