Fil-Am pedophile, arestado
September 20, 2002 | 12:00am
Dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Fil-American pedophile na matagal nang wanted sa Estados Unidos dahil sa pagmomolestiya sa dalawang kabataan sa nabanggit na bansa.
Kinilala ni Immigration Commissioner Andrea Domingo ang suspect na si Domingo Ramos, 56. Ang suspect ay nasabat ng pinagsanib na puwersa ng BI at NBI agent sa Quezon Avenue sa Angono, Rizal.
Ayon kay Domingo, si Cruz ay matagal nang nasa wanted list ng Los Angeles police department at mayroong warrant of arrest na naipalabas dito ang US District Court sa Central California noon pang Hunyo ng kasalukuyang taon.
Matapos madakip, agad na ipinadeport si Cruz kung saan isinakay ito sa Continental Airlines patungong Guam at pagkatapos ay sa Los Angeles kung saan doon niya haharapin ang kaso.
Nabatid sa ulat ng US Embassy, ang suspect ay kanilang tinutugis dahil sa pangmomolestiya sa dalawa nitong alagang ampon na mga kabataang kalalakihan sa California. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am