^

Metro

Deputy exec director ng OMA patay sa ambus

-
Pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspect ang isang mataas na opisyal sa Office of Muslim Affairs (OMA) sa ilalim ng Office of the President habang papasakay ng kanyang kotse kahapon ng tanghali sa Quezon City.

Patay na nang idating sa St. Luke’s Medical Center ang biktima na nakilalang si Khakis Mikunog, 52, OMA Deputy Executive Director at naninirahan sa 173 Sct. Limbaga St., Kamuning Quezon City makaraang magtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon kay Chief Inspector Rodolfo Jaraza, hepe ng homicide division ng CPD- Criminal Investigation Unit, naganap ang pamamaril dakong alas-12:30 ng tanghali nang bumaba ng kanyang opisina sa 117 Ablaza Bldg., E. Rodriguez Avenue ang biktima at agad na nagtungo sa parking lot. Pasakay na si Mikunog sa kanyang sasakyan ng biglang lapitan ng suspect. Walang sabi-sabing pinaulanan ito ng bala ng baril. Isa pang suspect ang nagsilbing look-out.

Nabatid na uuwi lamang ang biktima para sa bahay mananghalian ng maganap ang insidente.

Matapos ang isinagawang pamamaslang, kaswal na naglakad lamang ang killer patungong Araneta Avenue.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Doris Franche)

ABLAZA BLDG

ARANETA AVENUE

CHIEF INSPECTOR RODOLFO JARAZA

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DEPUTY EXECUTIVE DIRECTOR

DORIS FRANCHE

KAMUNING QUEZON CITY

KHAKIS MIKUNOG

LIMBAGA ST.

MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with