^

Metro

Exclusive schools sa MM hihigpitan

-
Upang hindi na umano muling maulit ang nangyaring pagdukot ng mga miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) gang sa dalawang pinalayang anak ni Negros Occidental Congressman Julio Ledesma, magpapatupad ng paghihigpit sa seguridad ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa lahat ng mga exclusive schools sa Metro Manila dahil sa ito umano ang karaniwang target ng mga kidnappers para maghanap ng bibiktimahin.

Ayon kay Metro Manila police chief, General Reynaldo Velasco na nag-oorganisa ang kanyang tanggapan ng mga 'clustered security personnel' na magsasagawa ng pagpapatrulya sa bisinidad ng mga eklusibong paaralan.

Nagsasagawa na rin sila ng pakikipagkoordinasyon sa mga security officials ng bawat paaralan para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga estudyante laban sa pag-atake ng mga kidnaper.

Nauna nang humiling ang Federation of Association of Private Schools Administration (FAPSA) ang pagdedeploy sa mga pulis sa bisinidad ng kanilang mga paaralan sa Metro Manila.(Ulat ni Joy Cantos)

AYON

FEDERATION OF ASSOCIATION OF PRIVATE SCHOOLS ADMINISTRATION

GENERAL REYNALDO VELASCO

JOY CANTOS

METRO MANILA

NAGSASAGAWA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NAUNA

NEGROS OCCIDENTAL CONGRESSMAN JULIO LEDESMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with