^

Metro

Pharmacist sinundo, dinala sa 'biglang liko' ng manliligaw

-
Nagsampa ng reklamong panggagahasa ang isang 22 anyos na dalaga laban sa kanyang manliligaw matapos umanong siyang sapilitang ipasok sa isang motel kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Nannette, pharmacist ng San Lorenzo South Subdivision ,Sta. Rosa, Laguna habang ang suspek na naaresto ng pulisya ay nakilalang si JB Madrigal, 22, binata ng Pedro Gil st., Malate, Maynila.

Batay sa pahayag ni Nannette, dakong alas-3:50 kamakalawa ng siya ay sunduin sa kanyang pinapasukan sa San Andres Bukid ng suspek na kanyang manliligaw.

Nagtiwala umano si Nannette sa suspek kaya tiwala itong sumama dito na hindi nito sukat akalain na siya ay dadalhin sa isang motel sa Brgy. Guadalupe Nuevo ng nasabing lungsod dakong alas-5:30 ng hapon.

Ayon kay Nannette, puwersahan umano siyang pinasok ng suspek sa motel at sa kabila ng kanyang panlalaban ay nanaig ito at naisakatuparan ang kanyang makamundong pagnanasa.

Pagkatapos ay iniwan ng suspek ang biktima sa motel na nagpasiyang magharap ng reklamo sa pulisya.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasyon dahil sa kagustuhan nila pareho ang nangyari at siya ay hindi manliligaw kundi nobyo ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BATAY

BRGY

GUADALUPE NUEVO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

NANNETTE

PEDRO GIL

SAN ANDRES BUKID

SAN LORENZO SOUTH SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with