^

Metro

Anomalya ibinunyag laban sa BFP chief

-
Matapos ibulgar ng may 10,000 mga nagmamalasakit na bumbero sa buong bansa ang ibat-ibang anomalya sa Bureau of Fire Protection (BFP) tulad ng ghost deliveries, double payment ng mga Notices of Transfer of Cash Allocation na mayroon at walang Sub-Advice of Allotments at iba pa,isa na namang katiwalian ang ibinulgar tungkol sa overpricing ng multi-milyon pisong freight service contracts.

Batay sa mga dokumento ng freight contracts na kasalukuyang nasa kamay ng Penpower for Democracy and Good Governance (PDGG),nakasaad sa mga ito ang umano'y sobrang singil sa kontrata na hindi makakabuti sa gobyreno.

Ayon sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na forwarding firms, lumalabas na ang mga umanoy kontratang pinirmahan ni BFP chief Senot at ng Vicson Forwarding at iba pang kumpanya ay overpriced umano ng 200 hanggang 300 porsiyento.

Napag-alaman ng BFP personnel sa mga forwarding company na hindi tataas sa halagang P 150,000 kada 40 footer container van sa alinmang destinasyon sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas.

Sa dokumentong ibinigay ng PDGG na ang BFP ay nagbayad ng mga halagang P372,019.72 sa delivery sa Iloilo, P 419,650.82 sa Cebu at P 719,733.02 sa Zamboanga na ang mga deliveries ay naglalaman ng ibat-ibang fire fighting equipments at fire prevention materials.

AYON

BATAY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CEBU

DEMOCRACY AND GOOD GOVERNANCE

ILOILO

NOTICES OF TRANSFER OF CASH ALLOCATION

SUB-ADVICE OF ALLOTMENTS

VICSON FORWARDING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with