^

Metro

P36-M kinita ng LTO sa multa ng mga traffic violators

-
Umabot sa P 36,678,562 milyon ang nalikom ng Land Transportation Office (LTO) mula sa multa ng mga nahuling colorum vehicles at iba pang traffic violations mula Enero hanggang Agosto ng taong kasalukuyan.

Ito ang naging report ni Atty. Fernando Em ng Traffic Adjudication Service (TAS) kay LTO chief Roberto Lastimoso bunsod ng pinaigting na kampanya laban sa mga abusadong motorista.

Ang kinita ng LTO ay mula sa multa sa paglabag ng Seat Belt Act at iba pang non-moving violations tulad ng out of line,non registered vehicles at iba pa; smoke belching at colorum vehicles.

Kaugnay nito ay nagbanta si Lastimoso sa lahat ng mga colorum vehicle owners na bilang na ang kanilang mga araw dahil sa pinagsanib na kampanya ng DOTC,TMG, PNCC at MMDA.

Simula sa buwan ng Oktubre ng taong kasalukuyan ay wala ng improvised plates at lost plate partikular ang mga bus ang papayagang lumabas sa lansangan lalo na sa kahabaan ng Edsa.

Dalawang linggong palugit buhat noong Setyembre 16 ang ibinigay ng DOTC-LTO sa mga may-ari ng sasakyan na may lost at improvised plate na makakakuha na ng kanilang mga replacement plate.

Pagkatapos ng palugit na ito ayon kay Lastimoso ay wala ng ektensiyon na ibibigay at sila ay huhulihin sa hindi pagsunod sa batas.(Ulat ni Angie Dela Cruz)

AGOSTO

ANGIE DELA CRUZ

DALAWANG

FERNANDO EM

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LASTIMOSO

ROBERTO LASTIMOSO

SEAT BELT ACT

TRAFFIC ADJUDICATION SERVICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with