P1-M tinangay ng 'Bonnet Gang'
September 17, 2002 | 12:00am
Halos kasabay nang isinasagawang pagpiprisinta sa media ni Pangulong Arroyo sa nadakip na umanoy walong miyembro ng Bonnet Gang sa Camp Crame, sinasabing sinalakay naman ng ganito ding grupo ang isang gasolinahan sa Tondo, Maynila kahapon at tumangay ng may isang milyong pisong kita ng naturang gasoline station.
Nanginginig pa sa takot nang dumulog sa WPD police si Marichy Bergana, 32, supervisor ng Shell gas station na nasa Moriones at Juan Nolasco Sts. sa Tondo, Maynila.
Aniya, sakay ng Strada pick-up ay patungo sana sila sa isang bangko upang ideposito ang P800,000 cash ar P250,000 halaga ng tseke nang harangin sila ng mga suspect na hinihinalang miyembro ng Bonnet Gang na armado ng matataas na kalibre ng baril at sapilitang kinuha ang dala niyang travelling bag na dito nakalagay ang pera. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am